1. Pakibuo

    ni Estancio Hugnatan

    walang puzzle na nabuo kung walang kulang ang bawat piraso nito.
    naalala mo bang mas maganda ung picture nun kung nagsama sila?
    pinunan nila ang pagkukulang ng bawat isa
    kaya sa tuwing makakakita ka ng puzzle piece
    lagi mong tandaang walang taong perpekto
    minsan din naman, sa dami ng puzzle piece, hindi ka tugma dun sa nakita mo
    parang lang pala, akala mo lang pala.
    pero wag kang mag-alala.. sa 1000-piece puzzle set
    may 1/1000 sure chance ka na makahanap.
    nakakatawa lang dun. minsan, dinadaanan pa natin ung 999.

    2 years ago  /  Notes