1. Maniobra

    ni Estancio Hugnatan

    Ngunit saan tutungo ang pagtibok
    Ngunit saan hihimpil ang isip
    Ngunit saan ang kahihinatnan
    Kung hindi nakikita ang daraanan

    Ngunit bakit ba ako naririto
    Ngunit bakit tila ako’y nalilito
    Ngunit bakit puro kalyeng liku-liko
    Kung iisang daan lang naman ang tahak ko

    Ngunit paano babanggitin ng mga labi
    Ngunit paano hihilingin ng aking pagwari
    Ngunit paano maipararating sa katambal ng hari
    Kung sa mundo at sa’yo ako’y nababali

    Umikot na parang manibela
    Tila trumpong nahihilo na
    Umiikot na bote’y sana’y tumigil na
    At sa paghinto, sayo’y nakatapat na nga

    2 years ago  /  0 notes